Naniniwala ang isang political analyst na pinupulitika ang kaliwa’t kanang imbestigasyon sa Senado at Kongreso.
Ayon Kay Political Analyst Atty. Edward Chico, may bahid na ng pulitika ang mga isinasagawang pagdinig.
Ani Chico, wala namang problema sa ginagawa nilang imbestigasyon dahil ito umano ay “in aid of legislation”.
Ngunit, sa kabilang banda, aniya ay huwag na magplastikan dahil ito ay nababahiran na ng pulitika.
Tinawag din ni Chico na OA ang ilang mambabatas dahil may mga tapos na umanong dapat pag-usapan ngunit patuloy na inuulit.
Dagdag nito, Posible na ginagamit ang isinasagawang legislation upang ipitin ang ibang mambabatas.
Ilan na lamang sa mga matunog na imbestigasyon ngayon ay ang pagdinig sa kaso ni Alice Guo at Illegal na POGO gayundin ang mainit na usapin ukol sa budget ng Office of the Vice President. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨