Nakaantabay na ang pamunuan ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 sa posibleng dalang epekto ng La Niña Phenomenon sa buong Region 1.
Sa naganap na ‘Kapihan sa Bagong Pilipinas’ ng Presidential Communications Office, inihayag ni DA RFO1 Regional Executive Director Annie ang ilan sa mga paghahandang isinasagawa ng ahensya.
Kabilang dito ang pagpapaalala sa mga magsasaka sa rehiyon ukol sa iskedyul ng kanilang pagtatanim lalo na sa mga mababang lugar at ang paggamit ng mga binhing kayang mabuhay kahit pa lubog sa tubig.
Dagdag pa rito ang paghikayat sa mga local farmers na magparehistro sa Philippine Crop Insurance Corporation upang sakaling maging apektado ng mga pag-uulan ang mga sakahan ay sigurado ang pagtanggap ng mga ito ng tulong pinansyal.
Samantala, pagtitiyak pa ng ahensya na sapat ang suplay ng mga pangunahing produkto sa Region I kahit pa maranasan umano ang epekto La Niña Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨