Handa na ang pamunuan ng Department of Agriculture sa posibleng epekto ng La Niña Phenomenon sa Region 1.
Sa naganap na ‘Kapihan sa Bagong Pilipinas’ ng Presidential Communications Office, inihayag ni DA RFO1 Regional Executive Director Annie ang ilan sa mga paghahandang isinasagawa ng ahensya.
Kabilang dito ang pagpapaalala sa mga magsasaka sa rehiyon ukol sa iskedyul ng kanilang pagtatanim lalo na sa mga mababang lugar at ang paggamit ng mga binhing kayang mabuhay kahit pa lubog sa tubig.
Sinabi din ng opisyal na malaking bagay ang pagpaparehistro ng mga magsasaka sa Philippine Crop Insurance Corporation upang mabigyan ng agarang tulong.
Samantala, sa pagtataya ng PAGASA, posibleng maantala ang pagdating ng La Niña Phenomenon na maaaring magsimula sa buwan Setyembre hanggang Nobyembre. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments