Nakaantabay ngayon ang health authorities sa posibleng maglipanang mga health cases ngayong nararanasan ang maalinsangan init ng panahon.
Alinsunod dito ang paghimok sa mga Pangasinense partikular ukol sa kasong Tigdas o Measles na talamak sa pagsapit ng summer season.
Ilan lamang sa mga sintomas ay ang pagkakaroon ng fever, sore throat, dry cough at mapapansing pagdami ng rashes sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Kadalasang tinatamaan ay ang mga bata lalo na ang hindi bakunado ng kontra Measles, Rubella, at Polio.
Pinaalalahanan ang mga magulang na kung mapansing nakararanas ang mga anak ng mga nabanggit na sintomas ay agad itong dalhin sa pinakamalapit na ospital upang hindi humantong sa malalang kondisyon na maaaring magdulot ng komplikasyon tulad ng diarrhea, encephalitis at pneumonia.
Binigyang diin din ang kahalagahan ng pagkumpleto sa mga kinakailangang bakuna ng mga bata upang makaiwas sa health cases kasunod ng nararanasang phenomenon sa hinaharap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨