Puspusan ang isinasagawang paghahanda ng Public Order and Safety Office Calasiao sa paparating na selebrasyon ng Puto Festival.
Sa panayam ng IFM News kay POSO Calasiao Deputy Chief Mejia, full force ang kanilang hanay sa pagmamando ng trapiko sa bayan mula December 9-14.
Ani Mejia, katuwang nila ang kapulisan sa pagpapanatili ng seguridad gayundin ang ilang force multipliers.
Aniya pa, hindi na umano bago sa kanila ang taunang pagsisiguro ng kaayusan sa bayan kaya’t inihayag nito na sila ay handa na.
Samantala, ilang lansangan sa bayan ang isasara tulad na lamang sa sentro ng bayan kung saan madadaanan ng grand parade at streetdance competition.
Inaasahan naman na libo-libo ang dadayo sa bayan na makikisaya sa taunang pista. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments