𝗣𝗢𝗩𝗘𝗥𝗧𝗬 𝗜𝗡𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔

Bumaba ang naitalang poverty incidence sa buong Region I noong nakaraang taon base sa datos ng Philippine Statistics Authority – Regional Statistical Services Office 1.

Sa naganap na 2023 Full Year Official Poverty Statistics Regional Dissemination Forum sa Ilocos Region, iniulat ni National Economic and Development Authority o NEDA RO1 Assistant RD Ednore Freynon Perez na bumaba sa 8.4% mula sa 11.0% ang poverty incidence ng rehiyon noong 2023.

Isa ang Ilocos Region sa nakapagtala ng mababang poverty incidence sa buong bansa.

Samantala, ang poverty incidence ay tumutukoy sa proporsyon ng mga indibidwal o pamilya na base sa Family Income and Expenditure Survey (FIES) ay mas mababa pa kaysa sa poverty threshold kumpara sa pangkalahatang bilang ng mga indibidwal o pamilya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments