Bumaba ang presyo sa kada kilo ng produktong baboy sa pampublikong pamilihan sa Dagupan City sa pagpasok ng taong 2024.
Matatandaan na sa kasagsagan ng Holiday noong December 2023 ay pumalo sa β±340 hanggang β±360 ang standard na per kilo nito bagamat ngayong January 2024, bumaba ito ng nasa bente pesos.
Naglalaro sa β±315 hanggang β±320 ang presyuhan ngayon sa kada kilo ng nasabing produkto simula pa noong nakaraang linggo.
Ayon sa mga meat vendors, sa tuwing papasok daw ang bagong taon ay maayos ang produksyon nito kaya bumababa ito sa presyo.
Samantala, nananatili naman sa presyuhan ang manok na nasa 180 per kilo at baka na nasa 360 rin sa kada kilo nito. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments