𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’ π—‘π—š 𝗕𝗔𝗕𝗒𝗬 𝗦𝗔 π—£π—”π— π—œπ—Ÿπ—œπ—›π—”π—‘ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—šπ—”π—Ÿπ—”π—ͺ

Walang paggalaw at nananatili sa kasalukuyang presyo ang produktong baboy sa mga pamilihan sa Dagupan City sa pagpasok ng buwan ng Marso.

Nasa P340 pesos ang kada kilo ng karneng baboy sa ngayon bagamat madalas itong magbago at naglalaro kadalasan mula β‚±320 hanggang β‚±350.

Sapat ang magiging suplay ng nasabing produkto hanggang sa mga susunod na buwan dahil nananatiling matatag ang produksyon baboy sa buong Region 1 ayon sa SINAG.

Samantala, ang manok, nasa β‚±180 pa rin ang per kilo, walang pagbabago simula pagpasok ng bagong taon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments