Naapektuhan umano ng pagdami ng suplay ng bangus mula sa ibang lugar ang presyo ng bangus sa Dagupan City ayon sa mga local fish farmers.
Basa sa report ng mga local fish farmers sa lokal na gobyerno, apektado ang presyo ng bangus Dagupan dahil sa mga pumapasok na suplay nito mula sa ibang lugar.
Nagbigay katiyakan naman ang lokal na gobyerno na hindi nila hahayaan bumagsak ang industriya ng bangus sa lungsod at gumagawa ng hakbang para lalo pang maiangat ang naturang industriya.
Kaugnay dito, prayoridad ngayon ang pagsisiguro na Exclusive o 100% Dagupan Bangus ang binibenta sa mga wet market sa lungsod sa pamamagitan gn pagpapatupad ng scheduling at maging nakatakdang pag-uusap kasama ang BFAR Region 1 at Department of Agriculture ukol rin sa pagtaas ng presyo ng feeds kung saan apektado ang kita ng mga sumisigay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨