𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔

Bumaba sa 90-150 pesos kada kilo ang presyo ng Bangus sa mga palengke sa Dagupan City.

Ayon sa ilang tindero at dealer sa palengke, over feeds sa mga bangus ang maaaring dahilan kung kaya’t nagkakaroon ng maagang pag harvest.

Ilang lugar din sa lalawigan gaya ng Bolinao na pinag-aangkatan ng bangus ay nagkaroon ng forced harvest bago ang pananalasa ng bagyong kristine.

Naglalaro ngayon sa 50 pesos ang pinakamaliit na bangus, nasa 80 pesos naman ang medium size ng bangus at nasa 140 pesos ang pinakamalaking klase nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments