Bahagyang sumadsad ang presyo ng bigas ngayon, sa ilang mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan. Sa nakalipas na dalawang linggo nakitaan ng nasa ₱6 ang pagbaba nito.
Isa sa tinuturong dahilan ay ang patuloy na pag-ani ng mga magsasaka na nakakaapekto sa produksyon kaya’t patuloy ang pagsadsad nito. Samantala, nanatiling mataas ang presyuhan ng mga bigas na iniimport mula sa ibang bansa.
Ayon naman sa mga retailers, matumal diumano ang bentahan ngayon sa kabila ng maraming suplay, ngunit inaasahan naman nila na dadami ulit ang bibili dahil inaasahan din ang pagbaba nito sa mga susunod pang mga linggo.
Matatandaan na bababa ng hanggang ₱22 o ₱23 ang buying price ng palay, ayon sa Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG, kaya’t asahan pa ang patuloy na pagsadsad ng presyo nito sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨