𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗔𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥

CAUAYAN CITY – Idinadaing ngayon ng ilang konsyumer ang patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas.

Sa naging panayam ng iFM News Team kay Merry Lisador, isang senior citizen mula sa Labinab Grande, aniya sa panahon ngayon na lahat tumataas, hindi niya na inaasahang bababa pa ang presyo ng bigas.

Dagdag pa nito, tila suntok sa buwan na rin ang pagkamit sa bente pesos na kada kilo ng bigas.


Isa naman sa mga dahilan sa pagsirit sa presyo ng ibinebentang bigas sa merkado ay ang pabago-bagong klima lalo na ang nararanasan ngayong matinding El niño.

Gayunman, tinitiyak pa rin ng Department of Agriculture na sapat ang suplay at ginagawa na ang lahat ng kaparaanan upang mapababa ang presyo nito.

Facebook Comments