Posibleng maapektuhan ang presyuhan ng mga pangunahing pagkain tulad ng bigas ng umiiral na El Niño Phenomenon sa bansa, ayon sa pamunuan ng National Economic Development Authority o NEDA.
Bunsod ito ng mas matinding epekto na nararanasan partikular sa sektor ng agrikultura.
Ayon din sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), pumalo na sa higit isang bilyong piso o P1B ang naitalang total production loss at cost of damage sa sektor ng agrikultura sa buong bansa.
Bagamat tiwala ang DA na bababa ang presyuhan sa bigas dahil na rin sa peak ng anihan season simula ngayong Marso.
Sa lalawigan ng Pangasinan, ramdam na sa mga pamilihan ang bahagyang pagbaba sa kada kilo ng bigas at inaasahan ng mga consumers na mas bababa pa ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨