Nananatiling mataas ang presyo ng bigas sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City.
Pumalo na sa ₱54 ang kada kilo ng regular milled rice habang nasa 58 at mahigit naman ang per kilo ng well-milled rice.
Mangilan-ngilang rice retailers ang nagbebenta ng naglalaro sa ₱51 hanggang ₱53, bagamat reklamo ng ilang mamimili ang hindi gaano kagandang kalidad.
Ayon sa mga rice retailers sa lungsod, sapat ang suplay sa pinagkukuhanan ng mga ito bagamat wala umanong paggalaw sa presyo sa ngayon at nananatiling mataas.
Samantala, ilang mga basic necessities at prime commodities pa ang aprubado na sa hirit na taas presyo at inaasahang mararamdaman ang price adjustments ng mga ito sa mga susunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments