𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔

Nananatiling mababa ang presyuhan sa kada kilo ng bigas sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Naglalaro sa 46 hanggang 47 pesos ang pinakamababang maaaring mabili ng mga mamimili.

Ayon din sa isang farmers group, bumaba ang presyuhan ng bigas sa ilang pamilihan sa bansa bagamat ilan din ay nakakaranas pa rin ng mataas na presyo ng produkto.

Samantala, tiwala ang Samahan ng Industriya at Agrikultura (SINAG) na magiging sapat ang suplay ng bigas hanggang Hulyo sa kabilang ng nararanasang epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments