𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗣𝗔

Bumaba pa ngayon ang presyuhan ng bigas sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Sa kasalukuyan, nasa PHP 45 na ang maaaring mabiling kada kilo nito, mas mababa ng piso kumpara sa dating PHP 46 na per kilo.

Ayon sa ilang rice retailers, nararanasan daw ang pagdami sa pinagkukunan ng suplay nito kaya nakitaan ngayon ng mababang presyo ng produkto sa merkado.

Naglalaro naman sa PHP 48 hanggang PHP 53 ang per kilo ng well-milled rice.

Samantala, nananatiling matatag ang suplay ng bigas sa Pangasinan sa kabila ng naranasang drought condition bunsod ng El Niño Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments