𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦

Nananatiling mataas ang presyuhan sa kada kilo ng parehong regular at well milled rice sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City.

Sa kasalukuyan, naglalaro na sa ₱54 hanggang ₱56 ang per kilo ng regular milled at inaaasahang sisirit pa ito ng dalawa hanggang tatlong piso sa sunod na buwan. Ang well milled rice, nasa ₱58 at mahigit na rin.

Ayon sa ilang agricultural groups, asahan ang muli pang pagsirit sa presyo ng rice product bunsod ng epekto ng El Niño Phenomenon partikular sa agricultural industry maging ang mataas na presyo nito sa internasyonal na merkado.

Samantala, kinumpirma rin ang kasalukuyang nararanasang pagtaas sa presyo bigas ng Philippine Statistics Authority (PSA). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments