𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝟮 𝗣𝗜𝗦𝗢 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗞𝗜𝗟𝗢

CAUAYAN CITY – Nagtaas ng dalawang piso kada kilo ang singil ng presyo ng bigas sa merkado batay sa inilabas na anunsyo ng Department of Agriculture (DA) ngayong buwan ng Abril.

Mula sa P50-51 na halaga ng bawat kilo ng bigas ay tumaas ito ngayon ng P51-P52 pesos.

Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel De Mesa, nakikipag-ugnayan na ang kanilang ahensiya sa National Food Authority upang imbestigahan ang pagtaas sa presyo ng bigas.


Bukod pa rito pagdating naman sa importasyon ay bumaba kung saan mula sa dating 4.1 million metric tons ay naging 3.9 million tons na lamang.

Isang sensyales umano ito na natutugunan ang produksyon ng bigas kahit pa patuloy na nakakaranas ng El Nino ang ating bansa.

Facebook Comments