Nagsisimula nang tumaas ang demand sa ng mga bilog na prutas sa bagsakan market ng Urdaneta City ngayong nalalapit na ang pagsapit ng pasko at bagong taon.
Ayon sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan sa mga fruit retailer sa lungsod, pagsapit ng December 16, inaasahang mas tataas pa ang presyo nito
Naglalaro ngayon sa P900-P1000 ang kada crate ng ubas at kyat-kyat na may na nasa anim hanggang pitong kilo at ibinebenta ng P180-P200 kada kilo habang nasa P1000-P1500 naman ang presyo ng per box ng mansanas depende sa size nito.
Bukod dito, inaasahang tataas pa ang presyo ng iba pang prutas tulad ng pakwan na ngayon ay nasa P100 per kilo; melon nasa P55 per kilo at honeydew na nasa P75 per kilo.
Tiniyak naman ng mga fruit retailers na matatag ang suplay ng prutas ngayong holiday season sa kabila ng naranasang pananalasa ng bagyo noong nakaraang buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨