𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗟𝗔𝗞𝗟𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗧𝗔𝗦

Nanatiling mataas ang presyo ng ilang bulaklak sa lalawigan ng Pangasinan, tatlong linggo bago mag-undas.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang mga flower vendor, nasa limampung piso sa kasalukuyan ang taas ng presyo ng bulaklak dahilan na kaunti pa ang suplay.

May mga mangilan-ngilan na rin mga konsyumer ang bumibili ng bulaklak ngunit matumal pa umano ito ayon sa mga tindera.

Sa ngayon naglalaro naglalaro sa P100 hanggang P150 ang presyo ng bulaklak sa probinsiya.

Samantala, asahan umano ang pagbaba ng presyo ng bulaklak isang linggo bago ang Undas dahil sa pagtaas ng suplay mula sa Benguet. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments