
Cauayan City – Nagkaroon nga ng pagbabago sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa pamilihan sa lungsod ng Cauayan partikular na ang ilan sa mga gulay kung ikukumpara sa presyo ng mga ito noong nakaraang linggo.
Sa presyo ng mga gulay, mula sa 140-150 pesos kada kilo noong nakaraang linggo ay bumaba ito ngayon ng P100/kilo. Ang kilo ng talong ay P120/kilo, ampalaya na P120/kilo, Okra na 120/kilo, habang ang Repolyo na P40/kilo.
Ang kamatis ay nasa P60-80 per kilo, habang ang mga pangrekado katulad ng bawang at sibuyas ay nasa ₱160, habang ang luya ay P120 kada kilo.
Ayon sa ilang mga tindera sa palengke, bagama’t mahal pa rin ang presyo ng mga gulay, ikinatuwa naman umano ng mga mamimili ang bahagyang pagbaba sa presyo ng mga ito.
Samantala, sa isda at karne, nasa ₱240 ang bangus, ₱160 ang kilo salmon head, ₱300 naman ang galunggong na bilog habang ang Japa ay P170/kilo, ₱150 ang tilapia, Hito na P160, Tahong na P100 kada kilo, Pusit na P240/kilo, at Hipon na P550 per kilo.
P300 naman ang presyo sa kada kilo ng baboy, P450 ang kilo sa baka, habang P200 ang presyo ng kada kilo ng whole chicken.
Sa itlog, nasa 240-300 pesos pa rin ang isang tray depende sa size.
Paalala naman mga IDOL na mamimili ngayong araw, posible pa ring makaranas ng malamig na hangin at mahihinang pag-ulan kaya naman magdala tayo ng payong bilang panangga.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










