
Cauayan City – Nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng ilang gulay at bagsak presyong kamatis ngayong araw, February 20, 2026 sa Pamilihang Lungsod ng Cauayan.
Sa dating P100 per kilo, nasa P40-50 pesos na lamang ngayon ang talong, ang Okra na dating P120 ay nasa P80 ang kada kilo, ang ampalaya ay nasa P60, sitaw na nasa P100 pesos, at siling pansigang na nasa P120 pesos per kilo.
Para naman sa mga pangrekado, nasa 120 pesos ang luya; 120-160 pesos naman ang isang kilo ng sibuyas, habang ang bawang naman ay nasa 160 pesos ang isang kilo. Pero nagbabawas sila pag wholesale. Kamatis ang bagsak presyo na datiy 30 ngayon 20 pesos kada kilo na.
Naglalaro naman sa 240-270 ang ang itlog depende sa klase.
Samantala, ang isda katulad ng tilapia ay nasa 170 pesos ang isang kilo; pusit na 240 pesos per kilo; bangus na nasa 240 pesos ang isang kilo; galunggong na 200 ang isang kilo; at salmon head na 160 pesos per kilo.
Sa presyo naman ng karne ng baboy, nananatili ito sa 300 pesos ang isang kilo habang sa karne naman ng baka ay nasa 400 pesos per kilo. Ang manok naman ay nananatiling 200 pesos per kilo.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










