𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗨𝗧𝗔𝗦, 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗦𝗧 𝗛𝗢𝗨𝗥 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗖𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟯𝟭

Ibinaba at ibinagsak presyo ng ilang fruit vendors sa Dagupan City ang presyuhan ng ilang mga bilog na prutas sa last hour ng December 31 bilang New Year Celebration.

Ang mansanas na naglalaro sa bente hanggang bente singko pesos sa kada piraso ginawang 3 for 20 sa last hour, kahapon.

Ibinigay na rin ng nasa 10 to 15 ang noo’y 20 to 30 na orange na prutas.

Ilang vendors ibinaba rin ng 250 pesos per kilo ang dating 280 ng seedless na ubas.

Bumaba pa ng nasa sampu hanggang kinse pesos sa kada piraso ng ibang prutas tulad ng suha, watermelon at melon.

Samantala, inaaasahan naman na babalik na sa presyuhan ang mga ito sa mga susunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments