Tumaas ng sampung piso ang kada kilo ng ilan sa pangunahing isda na ibinebenta sa mga wet market sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa monitoring na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 mula February 26 hanggang March 1, 2024, nakitaan ng sampung pisong taas sa presyo ng ilan sa priority fish commodities tulad ng bangus, tilapia, at hipon.
Nasa starting price na ₱130 hanggang ₱220 per kilo ngayon ang benta para sa bangus depende sa klase at laki nito kumpara noong mga nakaraang linggo na nasa ₱120 ang starting price.
Ang isdang tilapia naman, nasa ₱80 hanggang ₱160 per kilo ang benta nito kumpara noong huling monitoring na nasa ₱80 hanggang ₱150 per kilo habang ang hipon naman ay naglalaro ang presyo mula ₱300 hanggang ₱500 per kilo.
Samantala, ang presyo naman naman para sa mga lamang dagat o seashells gaya ng talaba, nasa 80 pesos hanggang ₱130 per kilo habang ang seaweeds o ar-arusep naman ay nasa ₱70 hanggang ₱280 per kilo ang presyuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨