Nanatiling mataas ang presyuhan ng itlog sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan depende pa sa sukat ng mga bibilhing produkto.
Ilang mga egg vendors aminado na noong nakaraang mga araw pa ay may kaatasan na sa presyo nito at inaasahan pa ng mga ito na tataas muli ang demand nito bilang paghahanda ng mga consumers sa darating holiday season.
Ayon naman sa ilang mamimili, hindi raw kumukuha ang mga ito ng isang tray lalo na at 200+ pesos ang halaga nito depende pa sa laki ng mga ito. 1 dozen o 12 pcs lamang daw ang binibili ng mga ito.
Pinakamababang presyo ng isang piraso ng pinakamaliit na itlog ay nasa lima hanggang anim na piso.
Samantala, asahan pa ang pagtaas ng itlog sa mga susunod na araw maging ilang mga agricultural products tulad ng bigas, gulay at mga karne. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments