Tuluyan nang bumagsak sa sampung piso kada balot o kilo ang presyo ng kamatis ngayon sa ilang pamilihan at palengke sa lungsod ng Dagupan.
Sa bahagi pa lamang ng Malimgas market ay makikita na ang mga nakahilerang tindang kamaTIs kung saan kanya-kanya na ang mga manlalako sa diskarte sa pagbenta para lang mapaubos ang mga naturang benta.
Ayon sa kanila, kung nitong nakaraang linggo ay nasa bente pesos hanggang bente-singko pesos ang presyo ng kamatis at tuluyan na nila itong ibinaba sa sampung piso sa takot na hindi na tuluyan pang maibenta ang kanilang biniling suplay.
Malaking lugi na umano sa kanila ang pagbaba ng presyo ng kamatis sa pagkakataon na ito habang malaking tulong naman sa mga mamimili sapagkat sinusulit na rin ng ilan ang pagbili sa murang presyo ng produkto.
Ngunit kahit pa binagsak na ang presyo ng kamatis ng mga retailers ay sadyang hindi pa rin umano nauubos ang kanilang benta sa dami rin nilang nagtitinda ng kamatis sa palengke. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments