Tumaas ng sampung piso ang bentahan ng kandila sa merkado sa Pangasinan ilang araw bago ang Undas.
Ang regular candle, naglalaro sa bente hanggang trenta pesos ang isang bundle na may dalawampung piraso.
Nasa P35 hanggang P40 naman ang mas malaking kandila sa parehas na uri ng produkto.
Naglalaro rin sa P60 hanggang P70 ang kanilang colored candle na may anim na pirasong laman.
Unti-unti nang dinadagsa ang mga namimili ng kandila ayon sa mga tindera.
Samantala, posibleng bahagyang tataas pa ang presyuhan nito pagsapit ng Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments