Walang pagbabago ngayon sa ilang pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan pagdating sa presyuhan ng mga karne at gulay.
Ayon sa ilang tindera sa mga pamilihan sa lalawigan, ang baboy ay nagkakahalaga ng P340 – P350, ang manok naman ay nagkakahalaga ng P180 per kilo, at ang karne ng baka naman ay nagkakahalaga ng P400 kada kilo.
Samantala, pagdating sa presyohan ng gulay, ang mga gulay na highland at lowland ay halos maliit lang ang pagkakaiba sa presyuhan. Ang highland vegetables kada kilo ay naglalaro sa P140 hanggang P80 habang ang lowland vegetables naman kada kilo ay nagkakahalaga ng P200 hanggang P80.
Maari naman umanong magbago diumano ang presyo ng mga karne at gulay sa mga susunod na buwan ngayong nasa panahon na naman ang bansa ng tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments