Nakitaan ng bahagyang pagbaba sa presyo ng mga karne sa pampublikong pamilihan sa bayan ng Calasiao.
Nasa P180 ang kada kilo ng manok, kung saan ayon sa ilang meat vendors, mag-iisang linggo na rin simula nung bumaba ito. Nasa P300 naman ang per kilo ng laman ng baboy habang nasa P320-P330 ang liempo.
Sa nakapanayam ng IFM News Dagupan, nararanasan ngayon ang bahagyang pagbaba sa presyo ng mga produkto kung ikukumpara noong mga nakaraang linggo.
Samantala, dedepende umano sa suplay at demand ang magiging presyuhan ng mga karne sa Calasiao sa darating na buwan ng Disyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments