Walang paggalaw sa ngayon ang presyuhan sa kada kilo ng ilang produktong karne tulad ng baboy at manok sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Ang baboy, nasa ₱340 ang kada kilo, nananatiling presyuhan noong nakaraang linggo at mas mataas kumpara sa mga huling linggo ng Enero na nasa ₱315 hanggang ₱320 lamang.
Nananatili rin sa ₱180 ang kada kilo ng produktong manok.
Ayon sa mga vendors, hanggang sa kasalukuyan ay waka umanong inaasahang paggalaw sa presyo ang mga ito dahil sa maayos na produksyon ng mga nasabing produkto.
Samantala, nasa ₱350 hanggang ₱360 naman ang per kilo ng baka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments