𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗣𝗚 𝗣𝗘𝗥 𝗞𝗜𝗟𝗢, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗡𝗚𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰

Sa pagbubukas ng taong 2024, nasa higit tatlong piso o ₱3.40 ang naging taas presyo sa kada kilo ng LPG ang bumungad sa mga konsyumer.

Ang ilang sa mga dealer ng LPG, nagulat din sa itinaas ng presyo ng LPG ngayon kung saan nasa isang daang piso ang taas ng kanilang idinagdag depende sa kilo ng isang LPG tank na bibilhin ng kanilang mga buyer.

Kaya naman ang ilan sa mga konsyumer ng LPG, tipid tipid muna sa paggamit ng naturang produkto lalo ang may mga negosyong karinderya.

Mas mahirap kung magtutuloy-tuloy umano ito dahil balik eskwela nanaman ang mga estudyante kaaya naman pinaka kailangan nila ng LPG para sa mabilisang pagluluto ng mga pagkain at ulam para sa mga kostumer.

Ang pagtaas naman ng presyo ng LPG ngayon ay dahil sa sinasabing pagtaas rin ng contact price nito sa pandaigdigang merkado; mas mataas kumpara noong buwan ng December 2023.

Samantala, nagkaroon naman ng oil price rollback ang ilan sa mga produktong petrolyo gaya ng Diesel, Gasoline at Kerosine na nasa ₱.35 hanggang ₱1.40 ang ibinaba kada litro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments