Bumaba ang presyo ng produktong manok sa ilang pampublikong pamilihan sa Dagupan City simula kahapon, December 31 kasunod ng katatapos lamang ng New Year Celebration.
Nasa sampung piso ang ibinaba nito sa dating presyuhan na β±180 hanggang β±200 per kilo ngayon ay nasa β±170 na.
Ayon sa mga meat vendors, bilang naging mataas ang demand nito ay ibinaba ng bahagya ang presyo.
Bagamat sa mga susunod na araw ay babalik na raw ito sa nararapat na presyo na β±180 o mahigit pa sa kada kilo.
Samantala, kung may pagbaba naman sa manok, hindi umano ramdam ng mga mamimili ang sinasabing pagbaba sa presyo ng itlog dahil nananatiling nasa halos siyamnapiso o β±8.20 hanggang β±8.50 ang kadalasang pinakamababang presyo sa kada piraso nito. |πππ’π£ππ¬π¨