Wala pa ring paggalaw hanggang sa kasalukuyan ang presyo ng mga produktong karne sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Nananatili sa P180 ang kada kilo ng manok habang naglalaro sa P340 hanggang P350 pesos ang per kilo sa baboy.
Ayon sa ilang meat vendors, bagamat nararanasan daw sa mga poultry farms at piggery ang epekto ng El Niño partikular na ang dulot nito sa mga hayop ay hindi naman daw matindi ito kaya’t wala pang paggalaw sa presyo ng mga produkto.
Samantala, hindi lamang laban sa El Niño ang inaantabayanan at pinaghahandaan ng awtoridad sa Pangasinan maging ang maaaring pagpasok ng banta ng ASF sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments