𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗘

Bumaba ng hanggang bente pesos ang presyo ng ibat-ibang uri ng isda sa pampublikong pamilihan partikular sa Magsaysay Fish Market sa lungsod ng Dagupan.

Ang bangus na dating ₱180, ngayon nasa ₱150 hanggang ₱160 ang per kilo.

Oriles na mula sa dating ₱280 ngayon ay ₱250 hanggang ₱260, Dalagang Bukid, mula ₱170 ngayon ay nasa ₱140 hanggang ₱150 pesos.

Malaki rin ang ibinaba ng kada kilo ng mga lamang dagat tulad ng hipon, alimango at iba pa.

Bunsod ang pagbaba sa presyo ng nararanasang maraming suplay sa merkado.

Samantala, ayon sa mga fish vendors, sapat umano ang suplay ng mga isda hanggang sa papalapit na pagdaos ng Kuwaresma. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments