Inaasahan ngayon ng mga mamimili sa ilang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan na hindi na sana umano sumipa ang presyo ng mga prutas kasabay ng selebrasyon ng Holiday Season.
Sapat na raw sa mga ito ang mataas na presyo ng bigas, itlog maging ang ihahandang Noche Buena products para sa araw ng Kapaskuhan, sunod na tatangkilikin ay ang iba’t-ibang uri ng prutas para naman sa pagdiriwang ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa ngayon ay hindi pa umano masyadong ramdam ng mga consumers sa lalawigan ang paggalaw sa presyo ng mga ito bagamat aminado silang tiyak ang taas presyo nito sa mga susunod na araw.
Samantala, hindi pa dagsa ang produktong prutas ngayon at inaasahan naman ng mga vendors ang mas masiglang kita pagpatak ng huling linggo ng buwan ng Disyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments