Muling bumaba ang presyuhan sa kada kilo ng produktong baboy sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Ang ibang meat vendors, ibinaba ito sa ₱310 hanggang ₱320, mas mababa kumpara sa presyuhan noon lamang nakaraang linggo.
Mangilan-ngilan naman ang nagbebenta pa rin ng mula ₱320 hanggang ₱340 sa kada kilo.
Ayon sa mga meat vendors, sa pagpasok ng Enero ay madalas daw talaga maranasan ang taas-baba sa presyuhan ng produkto kaya nararamdaman ang nagiging price adjustments nito.
Samantala, sapat ang suplay ng baboy maging ang manok na may paggalaw ng bahagya sa presyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments