𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗙𝗥𝗘𝗘𝗭𝗘 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗜𝗦𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬

Ipapatupad sa lungsod ng Dagupan ang 60-day price freeze sa mga pangunahing pangangailangan kasabay ng pagdedeklara ng State of Calamity.

Ibig sabihin awtomatikong walang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin tuwing nakakaranas ng kalamidad tulad ng mga delata, instant noodles, tinapay, gatas, kape, kandila, sabong panlaba, asin at pati na rin bottled water.

Umabot sa 35,000 hanggang 38,000 na pamilya sa lungsod ang apektado ng bagyong kristine ayon sa alkalde.

Patuloy ang pamamahagi ng relief goods sa mga residenteng apektado ng nagdaang bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments