Minomonitor ngayon ng Police Regional Police Office 1 ang mga private armed groups sa rehiyon ngayong papalapit na ang eleksyon 2025.
Ayon kay PRO1 Director Police Brigadier General Lou Evangelista, buwan-buwan umanong may isinasagawang monitoring ang pulisya kung may mga private armed groups (PAGs) sa rehiyon.
Kung mayroon man umanong umuusbong na grupo ay agad nila itong tinututukan at nagsasagawa ng validation nang sa gayon ay hindi ito makapasok sa Region 1. Sa kasalukuyan ay wala naman silang nakikita o namomonitor na mga private armed groups sa apat na probinsya na sakop ng rehiyon.
Hinikayat naman nito ang mga pulitiko na iwasang gumamit ng private armed groups o potentials private armed groups upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon sa nalalapit na eleksyon.
Siniguro naman ng PRO1 na mas maraming pulis ang nakatakdang i-deploy sa araw ng eleksyon upang pigilan ang anumang masamang hangarin ng mga armadong grupo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨