Dapat na umanong liwanagin nang maayos ang probisyon ng anti-political dynasty na nakapaloob sa konstitusyon ayon sa kahiligan ng ilang grupo ng abogado.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Constitutional Law Author Atty. Vien Lawrence Gabato, kailangan umano na mabigyan ng interpretasyon ang anti-dynasty sapagkat hanggang sa ngayon hindi pa nagalaw ang probisyon ukol dito.
Sa 1987 Constitution aniya, may nakasaad na isa sa state principles and policies ay makapagbigay ng pantay-pantay na pagkakataon at hangga’t maaari ay ipagbawal ang political dynasty.
Ngunit kahit pa nakasaad ito sa konstitusyon, dapat pa rin umanong magpasa ang mga mambabatas ng batas para ipagbawal ang political dynasty upang ito’y maisakatuparan.
Dapat umano simula pa lamang ay ito na ang ginawang legislation noong pang 1987.
Matatandaan na itinutulak ang pagsasabatas nito ng ilang grupo at ngayon ay nakatakdang ihain sa senado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨