𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢, 𝗠𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗗𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗦𝗣

Hinikayat ng pamunuan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na mayroong problema ukol sa usaping pamamahala ng pera at pagbabangko na idulog ito sa kanilang tanggapan.

Para umano ito sa mga financial consumers na hindi nasisiyahan o hindi kumbinsido sa mga ginagawang aksyon ng mga financial institution sakaling makaranas ng anumang problema sa pagbabangko.

Pagbabahagi pa ng BSP handa sila upang bigyang linaw ang mga katanungan ng mga indibidwal na may kinalaman sa pagbabangko.

Samantala, binigyang diin din sa naturang forum ang talamak na mga uri ng fraud o scam tulad ng Phishing, Money Mules, Pekeng Donation at iba pa at ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga inilalabas na personal na mga impormasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments