𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗢𝗨𝗧 𝗣𝗔𝗧𝗜𝗘𝗡𝗧 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡

Kasalukuyang sinusolusyunan ang matagal nang problema ng mga pasyenteng nagtutungo sa Outpatient Department ng Mapandan Community Hospital sa bayan ng Mapandan.

Matapos isagawa ang hospital hoping ni Provincial Administrator Melecio Patague II sa nasabing hospital, pumukaw sa kanyang atensyon ang mga sitwasyong kinakaharap ng mga pasyente nakapila sa Outpatient Department na mainit ang kanilang pwesto dahil sa tolda lang ang gamit na silungan ng mga ito.

Ilang taon na umanong tinitiis ng mga pasyente ang mainit na silungan ng pagamutan.

Ang naturang problema ay agad na ipinarating sa pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan upang agad ding mabigyan ng solusyon kung saan kasalukuyang isinasagawa ang konstruksyon.

Ang dating mainit na pwesto ngayon ay mapapalitan na ng airconditioned na pwesto para sa mga pasyenteng magtutungo sa OPD ng hospital.

Laking pasasalamat naman ng mga residente dahil sa kasagutang ito sa kanilang problema tuwing nagtutungo ng OPD. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments