
Cauayan City – Ipapatupad ang bigtime price hike sa mga produktong petrolyo ngayong araw, January 20, 2026.
Sa inilabas na abiso ng ilang oil companies, P2 ang itinaas sa diesel, P1.50 naman sa kerosene, habang P1 naman ang itinaas sa gasolina.
Sa Petron, ang kanilang Diesel Max ay nasa P56; ang Turbo Diesel ay nasa P58, Xtra Advance na nasa P56, habang ang XCS naman ay nasa P57.
Ang Fuel Save Diesel naman sa Shell ay nasa P60.60, ang V-power diesel naman ay nasa P69.10, Fuel Save Gasoline na nasa P61.30, at ang V-power gasoline naman ay nasa P64.30.
Para naman sa Eighteen V, nasa P51.60 ang diesel, P52.50 naman ang Premium at P52.30 naman sa Eco max.
Ang diesel ng Eco Power Oil ay P50.50, ang kanilang premium naman ay P52, habang P51.80 naman sa Supreme.
Samantala, mas maaga nang nagbabala ang Department of Energy–Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) ng posibleng pagtaas ng presyo ngayong linggo, dahil sa pangamba na maaaring lumala ang tensyon sa Iran na posibleng makaapekto at makagambala sa suplay ng krudo.










