Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang programang Goodbye Basura bilang solusyon aa animnapung taong krisis ng lungsod sa usapin ng basura.
Patuloy ang panghihikayat at pagpapaalala ng LGU sa mga residente na patuloy na tumulong at makiisa sa pagsesegregate ng mga basura sa loob pa lamang ng kanilang mga tahanan para makatulong rin na tuluyan nang matugunan ang problema sa basura.
Nito lamang, isang grupo ng brotherhood ang nakiisa at tumulong sa LGU para mag-segregate ng mga basura sa bahagi ng dumpsite at pinasalamatan rin sa tulong na kanilang ibinahagi.
Sa kabilang banda, habang patuloy ang pagsulong sa naturang programa ay umpisa na rin ang pagpapalakas sa turismo sa lungsod kung saan isa sa hakbang ang nalalapit na rin na pagpapatayo ng ecotourism park. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨