Patuloy na nabebenipisyuhan ang mga Micro Small and Medium Enterprises o MSMEs sa buong Ilocos Region ng Small Enterprise Technology Upgrading Program o SETUP ng Department of Science ang Technology o DOST.
Sa datos ng DOST Regional Office 1, nasa dalawang daan at dalawampu’t-siyam (229) ng mga negosyo ang natulungan ng programa kung saan nasa walong daan at walumpu’t-walong (888) mga interbensyon na ang naibigay.
Kaugnay nito, napasakamay sa mga residente ng rehiyon ang nasa higit siyam na raang mga trabaho. Nakakolekta rin ito ng nasa P3, 634, 259, 921. 00 bilang gross sales sa loob ng limang taon mula nang ilunsad ito.
Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga MSME na mapataas ang kita at mapabuti ang produksyon, sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨