𝗣𝗥𝗢𝗣𝗢𝗦𝗘𝗗 𝗔𝗡𝗡𝗨𝗔𝗟 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗣𝟭.𝟲𝟬𝟴 𝗕𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡

Nakatakdang aprubahan ang P1.608 billion ang proposed annual budget ng Dagupan City para sa taong 2025.

Napirmahan na ni Mayor Belen Fernandez ang naturang budget at isusumite sa Sangguniang Panlungsod.

Ilalaan ang budget para sa mga proyekto at programa Gaya ng serbisyong pangkalusugan, scholarship, social services, para sa persons with disabilities maging pondo para sa Special Education at iba pa.

Kabilang din ang pagpapaigiting ng mga patuloy na kampanya kontra droga, peace and order, at pagpapa-angat sa turismo ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments