Nakatuon ngayon ang provincial government ng Pangasinan sa posibleng epekto ng La niña sa lalawigan.
Sa bahagi ng agrikultura, siniguro na nakapaglatag na ng mga hakbangin kung saan matutulungan ang mga magsasaka sa maaaring maging epekto ng La niña pagdating sa taniman at maaaring adjustment sa cropping pattern ng mga magsasaka.
Binigyang-diin din ng isang opisyal na nakatuon ang pamahalaang panlalawigan sa mga paghahanda sa oras na makaranas ang lalawigan ng epekto ng La niña.
Sa ngayon, patuloy na nagpapaalala ng mga awtoridad na mag-iingat sa maaaring maidulot sa oras na dumatin ang panahon ng tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments