𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗡𝗔 𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗞𝗨𝗠𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗢

Nanawagan ang Pangasinan Provincial Health Office sa publiko na huwag pumatay ng aso at kainin ang karne nito upang maiwasan ang rabies.

Ayon kay PHO Head Dra. Anna De Guzman, maaaring kinakain sa ilang komunidad sa pangasinan ang mga namatay na aso na may dalang rabies.

Aniya, may ilang pumuputol sa ulo ng aso at iyon ang ipadadala upang sumailalim sa examination ngunit ang katawan ng aso ay kinakain.

Sakaling mag positibo sa rabies ang mga asong dumaan sa eksaminasyon ng rabies kinakailangan mabakunahan ang mga kumain ng karne ng aso.

Pakiusap ng tanggapan sa mga barangay officials pabakunahan ang mga indibidwal na kumain ng karne ng aso na may dalang rabies. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments