𝗣𝗥𝗢𝟮, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚

CAUAYAN CITY – Naka heightened alert pa rin ang Police Regional Office 02 kaugnay sa epekto ng Bagyong Enteng sa lambak ng Cagayan.

Sa katunayan, ilang araw bago ang pagdaan ng naturang bagyo sa rehiyon ay nauna nang nagsagawa ng pagpupulong ang PRO2 upang mapaghandaan ang banta at epektong idudulot nito.

Nasa 272 na mga kapulisan ang nakaantabay sa buong panahon bilang Reactionary Standby Support Force.


Bukod dito, nakahanda rin ang pwersa ng PRO2 sakaling kailangang maglunsad ng search and rescue operation para sa mga residente na maapektuhan ng mga pagbaha partikular na iyong mga nakatira sa hazardous area.

Samantala, nakataas pa rin ang Liquor Ban sa ilang bayan sa probinsya ng Cagayan at Isabela upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa posibleng maging epekto ng bagyong Enteng.

Facebook Comments