𝗣𝗥𝗢𝟮, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗢 𝟵𝟬𝟬𝟭-𝟮𝟬𝟭𝟱 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗠𝗣 𝗖𝗥𝗔𝗠𝗘

Cauayan City – Malugod na tinanggap ni PBGEN Cristopher Birung, PRO2 Regional Director ang ISO 9001:2015 certificate ng PRO2 ngayong umaga.
Kasabay ng flag raising ceremony sa PNP National Headquarters ay ipinagkaloob ni Police General Benjamin Acorda Jr., PNP Chief ang nasabing sertipikasyon sa PRO2.
Naging matagumpay ang pagkamit ng PRO2 ng kanilang sertipiko matapos ang mahigit isang taon na pagbibigay ng epektibo at maayos na serbisyo para sa mga mamamayan at Gobyerno.

Ayon kay PBGEN 6, ang ISO Certificate na kanilang natanggap ay isang patunay na sila ay sumunod sa mga requirements na nararapat para sa isang organisasyon.
Dagdag pa nito, ang tagumpay na kanilang natanggap ay bunga ng pagiging tapat ng mga tauhan ng kapulisan sa kanilang pagbibigay serbisyo sa buong lambak ng Cagayan.
Facebook Comments