𝗣𝗥𝗨𝗧𝗔𝗦 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔

Limang araw bago ipagdiwang ang pagsalubong sa Bagong Taon ay ramdam na sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City ang prutas section.

Ayon sa mga fruit vendors, umpisa na sa pamimili ang mga consumer ng mga prutas partikular ang mga produktong hindi pa hinog at maaaring tumagal sa huling araw ng taon hanggang sa unang mga araw ng January 2024.

Ito ay ang mga bilog na prutas tulad ng melon, pakwan, at suha.

Ayon naman sa mamimili, nauna na nilang binibili ang ibang prutas upang hindi na dagdag abala at dagdag pang bibitbitin sa kasunod na pamimili ng mga ito.

Sa kasalukuyan, nananatili sa presyuhan ang mga ito bagamat asahan daw ayon sa mga fruit vendors na bilang tataas ang demand nito dalawang hanggang tatlong araw bago ang Bagong Taon ay tataas din daw ng bahagya sa presyo ang mga ito.

Samantala, hiling ng mga consumers na kung tataas man ay huwag naman daw sana humigit pa sa inaasahan ng taas presyo ang mga ito lalo na at hindi lamang daw prutas ang ihahanda sa media noche. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments